Quantcast
Channel: Mommy Fleur – Mommy Fleur
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1063

Random Ramblings On A Friday

$
0
0

When it comes to clothes, I would not mind paying more basta sobrang ganda ng damit.

Sobrang ganda means the fabric is nice, the cut doesn’t make me look fat and I can feel na nadadagdagan yung ganda points ko when I wear it.

Just like this Zara dress that I got for almost Php 3,000 na.

76

Dress: ZARA; Shoes: CALL IT SPRING; Sunglasses: FROM JAPAN

Kung titingnan mo, the dress looks very simple. I like it that way. In person, kakaiba yung fabric niya. It’s parang denim pero super lambot. I also noticed that the fabric has konting shine na hindi ko ma-explain. In short, kaka-iba siya. I love the dress talaga. Effortless pero ang lakas maka-feel shala.

77

Yuh, expensive na sa akin yung Php 3,000 na dress. Ako pa naman si, apart from wanting to look good, ako si ayaw umulit ng outfit when going out. As much as possible I want to wear something new. Kakaibang thrill kasi siya eh. Sa mga magba-bash na naman sa akin diyan, wag niyo na ituloy. Hindi naman ako namemerwisyo ng iba sa pagtutustos sa ka-hibangan ko na ito kaya shattap na kayo.

Anyway, this week is Anika’s Mastery Tests week at school. This is similar to the midterms exams sa ibang schools. Dito nga lang sa CSA, twice ang Mastery Tests before the finals.

Their schedule was supposed to be two exams per day from Wednesday to Friday. However, last Tuesday, the school sent a note that they changed the exams schedule to Thursday and Friday lang. That mean, three exams per day. Nakakasira ng bait. Why would they do that? Wala bang rule sa DepEd na two exams lang per day? Personally, three exams in a day is really too much. I don’t remember having more than two exams on the same day during my Grade School days. Mali di ba? I know hindi dapat natin i-baby yung mga kids pero this is too much. Hindi na siya makatarungan. Anika comes home at 6pm from school because of traffic. Pagod na pagod na yung bata. Then mag-aaral pa.

I also know na dapat we should study the exams beforehand para hindi cramming given that they gave the pointers last Friday. Pero ganun din eh. Even if you studied way before, irereview mo pa din talaga all the subjects the day before the test. Kamote.

Don’t get me wrong though. I do not complain about this in front of Anika. I don’t like her to feel inis sa school niya.

Kahit na super nakaka-inis talaga.

Isa pang nakaka-inis is etong mga times na gustong gusto mo ng lambing tapos walang naglalambing sayo? Ewan ko ba kasi bakit si Robin Padilla pa ang naging image peg nitong asawa ko. Pwede naman si John Lloyd. Or si Alden Richards. Ang lalambing nila eh.

Ang grouchy ko tuloy this week. Hindi ko talaga si Alvin pinapansin. He and I had this agreement before na since KSP talaga ako, sabihin ko na lang daw sa kanya if gusto ko ng lambing para lambingin niya ako. It worked for different times pero sometimes kasi gusto ko yung kusa eh. Alam niyo yun? Yung lambing na galing talaga sa jowa mo na hindi mo kailangan sabihin.

Hindi ko talaga pinapansin si Sombrero. Isang tanong, isang sagot lang ako. I wanted him to feel and realize na matagal niya na akong hindi linalambing. I don’t wait for him to sleep. Natutulog na ako agad with me sleeping facing away from him.

May three days din na ganyan.

Then finally last Wednesday, mukhang na-realize na niya bakit ang grouchy ko.

We were in our bedroom. Anika was already sleeping. I was lying on my back at him. Tumabi. Nagsnuggle. Inembrace ako.

Kinikilig na ako ng konti kasi heller, finally di ba?

Then he kissed me sa cheek then biglang sabi,

ALVIN: Babe, bakit amoy luya ka?!

Taena naman.

ME: Hindi luya yan! Ganyan ang amoy ng SK-ii na nilalagay ko sa mukha!

ALVIN: Wag mo na gamitin. Nag-aamoy luya ka.

Okay na sana eh. Okay na sana…

Hay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1063

Trending Articles