I’ve been asked a couple of times already how we discipline Anika.
Her being the only child makes her susceptible to being very spoiled. Yan ang iniiwasan naming mag-asawa mangyari. Wala kasi mapapala ang tao if palakihin mong spoiled and self-entitled eh. Sila rin ang mahihirapan pag laki nila. They will have a hard time makisama with other people. Hindi nila macocontrol ang emotions nila if they will not get what they want. Dadami ang excuses nila lagi sa buhay. Most of all, malamang magpabigat yan sa mga taong nasa paligid nila.
I pray for that often. Apart from sana Anika will stay healthy and happy, I always pray that she’ll grow up to be a good person. Hindi spoiled. Matulungin at mabait sa kapwa.
We, as parents, do not really know if what we’re doing is right. Di ba? Mananalig ka na lang talaga sa Diyos na sana tama yung ginagawa mong pagdidisiplina and pag-aalaga sa mga anak mo.
Anyway, I made a short video about how we discipline Anika. I am not being righteous here and definitely hindi ko sinasabi na tama yung way namin. I was asked a question, therefore I answered. Sana may matutunan kayo =)