Quantcast
Channel: Mommy Fleur – Mommy Fleur
Viewing all articles
Browse latest Browse all 1063

Kung Hindi Ka Ba Naman Maiyak

$
0
0
Untitled

Top and skirt: UNIQLO

One time, while I was watching TV, Alvin asked permission from me.

ALVIN: Babe, alis na ako. Magbibigay lang ako ng lecture sa Coast Guard.

ME: Anong pinagsasabi mong lecture eh alas otso na ng gabi?! (8pm)

ALVIN: Ganun talaga Babe. Hindi ko naman controlled yung oras pag dating sa work. Gagabihin ako ha? Wag mo na akong antayin. Matulog ka na. Okay na ha?

I was getting suspicious na talaga at this point. Bihis na bihis eh. Naka-polo. Naka-tuck in. Ang bango bango. Ang daming gel ng buhok. Kahit siguro signal number 5, hindi magugulo buhok niya eh. If not dun sa dala niyang bag and papeles, aakalain mo, makikipagdate!

At saka hello noh, anong lecture na waaaaaay after office hours?!

ME: Sasama ako. Sasamahan kita sa lecture mo.

ALVIN: Wag na Babe. Trabaho eto eh. Nakakahiya kasama ko yung asawa ko.

ME: Wag mo akong lokohin. San ka talaga pupunta? Sino maniniwala sayo na maglelecture ka ng ganitong oras?! Sasama ako!

ALVIN: Sa lecture nga. Kailangan ko itong gawin. Wag ka na sumama. Late na ako eh! Kailangan ko na umalis.

ME: No. Wait for me. Magbibihis ako.

I ran to our bedroom to change. I was starting to cry na. May babae malamang tong si Alvin. Lolokohin pa ako na kunwari may lecture! Hindi talaga ako papayag na hindi ako sumama!

Hanap ako ng hanap ng susuotin! Wala akong makitang masuot! Puros pambahay na sira sira lang yung nakikita ko and mga lumang pang alis!

I went out of the room to tell Alvin na wala akong masuot.

Punyeta yan. I can’t find him anywhere sa house! Naka-alis na! Umalis! Hindi ako sinama!

Iyak ako ng iyak! Ang sama sama ng loob ko. I felt so hurt. Paano na kami ni Anika? What did I do wrong? I felt like my world was ending.

AND THEN I WOKE UP.

It was all a dream lang pala!

When I woke up, my pillow was drenched with my tears. Ang sikip ng dibdib ko. Humi-hikbi pa din ako.

Tragis na panaginip yan! It felt so real. I composed myself and went out the room to go to Alvin.

When Alvin saw me, he hugged me. Naging normal na namin yan. Pagkagising, automatic hug na medyo matagal. I requested for that way back and I’m happy na consistent na ganun.

ME: Babe napanaginipan ko na nagpapaalam ka daw umalis kasi magbibigay ka ng lecture sa Coast Guard.

ALVIN: O?

ME: Kaso alas otso na ng gabi yun eh.

Tawa ng tawa si Alvin! Pati daw panaginip ko parang sitcom. He hugged me again na lang.

Anong panaginip niyo ang pwede mong ilaban sa “Most Realistic Dream Ever”? =D

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 1063

Trending Articles