If you remember, I posted my and Alvin’s convo in my social media. Niyaya niya ako magbreakfast ride.
Nagsuggest talaga lolo niyo ng outfits, ano? Hehe.
Since we’ve never done that, natural I asked anong outfit ang need suotin.
Buti na lang nagtanong ako because akala ko pekpek shorts ang sinusuot pag-ganun. Hindi pala. Alvin said in case sumemplang kami (knock on wood), mawawakwak yung legs ko. Dapat daw pants talaga. Ganda din sana if naka-leather jacket. May nabili akong “faux” leather jacket sa S&R nung summer. Naka-sale at Php 1,200 ata yun that time. Kahit mainit yung panahon, I bought it. I told myself, someday mapapakinabangan ko siya.
I thought yung someday na yun is nung weekend. Hindi ko nga lang kayang magleather jacket, mga bakla. NAPAKA-INIT! Jabar galore talaga. Kaya bilib ako sa mga taong naka-leather jacket na naglalakad sa labas ng tanghaling tapat. Buti hindi sila hinihimatay sa init. Anyway, I wasn’t able to aura high boots also because sa Mall of Asia lang pala ang punta. Ang OA if nakaboots pa ako sa MOA. Pagtatawanan ako ng mga nagjojogging and nag-e-aerobics dun. Baka akalain galing pa kaming Baguio tapos matawa if malaman na galing lang kami Paranaque. Next time na lang ako mag-boots. I thought kasi Tagaytay ang punta namin. Wag daw muna sabi ni Alvin. It was my first time to ride the motorcycle so we should take it slow kaya sa MOA lang kami.
This is what I wore.
Ginaya ko lang yung outfit nung girlet dun sa photo that Alvin sent. Hindi ko lang magaya yung ka-sexyhan niya. Bakit kaya yung girl sa photo after magmotor, fresh na fresh pa din? Bakit ako parang ngarag na ngarag? Well, langhapin mo ba naman kasi lahat ng usok galing sa tambucho sa Macapagal Avenue on your way to MOA, ewan ko na lang if freshness ka pa din.
Si Alvin ang daya, ang ganda ng outfit. Parang legit na legit na nagmomotor talaga.
We woke up early last Saturday to ride. We left the house around 6am. We had to get back nga lang agad because may lakad si Lyn. Walang maiiwan kay Anika so we had to come back by 8am. So our breakfast date became a coffee date.
Madaming nangamusta sa akin how was riding the motorcycle.
Ang lagi ko lang sinasabi is masakit sa pekpek. Vibrations galore! Hindi ako nakakalakad ng straight in the first 3 minutes after going down the motorcycle. Sakang ako maglakad kasi nagaadjust yung legs ko. Masakit din siya sa back. Nakakangalay. Nakaka-antok din ang naka-angkas pero bawal ka matulog if ayaw mong pulutin ka sa Sucat Road. Not to mention na mainit. Like super. It was only 730am when we were heading back home pero ramdam ko na si Mr. Sun. What more pa kaya if inabot kami ng noon time?
However, I want to do it again. Yan ang hilig ni Alvin and I want to like it too. It is recommendable daw for couples to do things together. Before, I was insisting to go with him hiking. Sama kako ako sa kanya umakyat ng bundok. Ayaw niya pumayag. He doesn’t believe that I can do it. Wala daw CR sa bundok so paano daw ako. He knows me too well. Hindi ko na siya kinontra. However, itong pagmomotor, I think I can do this. Breakfast rides can be one of our bonding dates and if that means maso-solo ko jowa ko kahit saglit, keber na ang jabar and baskil.
———————————————————————–
This is just in.
I just finished having lunch with my officemates. Hindi ko pa napopost itong blog post ko na ito because I was supposed to post it after I had my lunch.
Binabawi ko na mga sinabi ko na uulitin ko yung ride. I learned over lunch that one of our Capataz, who I know and like, died last Saturday night. Nagmomotor sila magasawa. Angkas niya misis niya and they got in an accident diyan sa C5.
Both of them didn’t make it.
Ayoko na sumakay ng motorcycle. I am praying si Alvin wag na din pero I know hindi mo naman yun mapipigilan. Dadaanin mo lang talaga sa dasal. Pero for me, hindi na. Hahanap na lang ako ng ibang bonding namin ni Alvin.
Please say a prayer for Atong, our capataz, tonight ha? Ang bait ng taong yun. Lagi naka-ingiti. Let’s pray for his and his wife’s soul. Let’s pray for their kids.
To all motorcycle riders out there, please do take care.
Yun lang po.